Wednesday, 29 April 2015



  Thursday ng umaga sa isang college school na hindi naman sikat na paaralan, nagmamadaling pumasok sa gate ang nooy transferee student na si Aileen, at dahil sa transferee sya mula sa ibang university school palapit sa security guard upang itanong kung saan makikita ang registrar office at dahil pasukan na sa darating na lunes, kinailangan na nyang magmadali upang makuha ang mga academic subjects na dapat nya kunin sa kursong Business Administration. Pero sa kamamadali nya hindi nya napansin ang nuoy patakbo din na naglalakad na si Denise isang nursing student, may katangkaran ito hindi kalakihan na pangangatawan subalit kapansin pansin ang pagiging good looking guy, sa estimate ni Aileen may edad 19 ang binata samantalang sya nasa edad 17. Sa sobrang pagkatulala nya sa binata hindi nya napansin na kinakausap na pala sya ni Denise at humihingi ito ng sorry dahil sa pagkakabangga nya dito. Pero imbes na sumagot si Aileen, ngumiti lang ito at dali dali umalis. Tinawag pa sya ng sorry ni Denise dahil sa pagaalala na baka nasaktan ang dalaga sa lakas ng pagkabangga sa kanya. 

Hapon na nang matapos ni Aileen ang mga kelangan nya ayusin sa registrar dahil sa haba ng pila nong dumating sya dahil after lunch na din naman sya nakarating dahil sa sobrang traffic sa edsa kung saan araw-araw sya dumadaan para makauwi ng bahay. Medyo nakaramdam na din ng gutom si Aileen kaya pumunta sya sa canteen upang magmeryenda, umupo sya sa kabilang corner kung saan tanaw nya college department ng Nursing. Noon napansin nya ang lalaking nakabangga sa kanya sa hallway kung saan patungo sya ng registrars office, may kasama itong babae na sa tingin nya ay girlfriend ng binata hindi naman katangkaran ang babae may hitsura at hindi kahabaan ang buhok, tama lang ang pangangatawan at may pagka morena ang kutis, may kaartihan ang hitsura. Pagkatapos nya magmeryenda. Medyo madilim na ng makauwi si Aileen sa bahay dahil sa sobrang pagod na din hindi na ito nakapag handa ng dinner nya dahil wala ibang gumagawa nito sa kanya dahil solo lang syang anak, at ang magulang nya ay nagtatrabaho sa ibang bansa wala syang nanay sapagkat bata palang sya ng maghiwalay ang mga magulang nya. Dahil sa wala pa namang klase friday pa kinabukasan, nagbabad muna sya sa pag internet nang biglang pumasok sa isipan nya ang lalaking nakabanggaan nya kanina. Ang gwapo naman noong lalaking yon, kaso hanggang tingin na lang ako kase may girlfriend na sya, hay nako crush ko na sya.Pero sandaling oras pa ay nakatulog na si Aileen, at dahil friday naman kinabukasan at wala pang pasok mahaba ang tulog nya halos tanghali na din sya nagising. At dahil sa wala ibang magawa sa bahay at solo pa sya sa kanila, nagisip ito na pumunta sa mall gamit nya kotse na iniwan sa kanya ng kanya ama at regalo na din ng makapag tapos sya sa high school. Tanghali na din ng makarating sya sa mall at naghanap sya ng pwede nya kainan na fastfood, after nya kumain naglakad lakad muna sya at namili na din ng konting gamit para sa pasukan. 

Makalipas ang weekend, simula na ng eskwela maaga nakarating si Aileen sa school pero hindi nya dala kotse nya dahil coding ito kaya maaga din sya umalis ng bahay upang hindi abutin ng traffic. 1st day of school palang marami na din halos nakilala si Aileen, nakakatuwa dahil kahit na transferee lang sya naramdaman nya warm welcome ng lahat sa kanya. Nagdaan ang maraming araw sa parehong oras at ginagawa nya, nakaramdam ng pagkabagot si Aileen at pumunta muna ito sa rooftop ng department nila upang magrelax ng isip, sandali lang nagpaalam muna sya sa mga kaibigan at hinayaan naman sya ng mga ito. Nang makarating sya sa rooftop pumwesto sya kung saan walang harang sa dulong bahagi nito, umapak sya sa part kung saan tanaw nya ibabang bahagi ng school nang biglang may nagsalita sa bandang likuran nya na ng kahit ano problema dumating sa buhay mo hindi solution ang pagpapakamatay. At bigla syang napapitlag dito at nang makita nya ang lalaking noon ay biglang nasa likuran nya, nagulat sya dahil si Denise ang nakita nya, Pano mo naman nasabi na magpapakamatay ako? Mariin nyang tanong kay Denise. Hindi ba? Akala ko kase yon ang gagawin mo, halos wala kase pumupunta dito maliban sakin. Paliwanag ng binata kay Aileen. Bumaba si Aileen sa flatform at lumakad ng mabilis, Denise nga pala name ko! Huminto si Aileen at sinabi na bakit mo sinasabi pangalan mo sakin? Walang kibo si Denise kibit balikat lang at lumakad palayo. Dahan dahan din lumakad si Aileen pababa ng rooftop upang bumalik na sa klase, pinauna lang nya ng kaunti ang binata para hindi sila sabay na maglakad sa hallway.

Girl san ka ba galing ha, tagal mo bumalik kala namin nagcutting kana e. Tanong ng classmate at kaclose nya sa klase na si Rina. Pero hindi na sumagot si Aileen at diretsong naupo nalang sa pwesto nya. Pero habang naghihintay sa professor nila bigla nyang naitanong kay Rina kung may kilala ba syang Denise. Ah si Denise yong nursing student senior? Bakit girl? Tanong ni Rina kay Aileen. Ah wala naman ilang beses ko na kase sya naencounter e noong una magenroll palang ako nagkabanggaan kami sa hallway, pero iniwan ko sya bigla kahit nagsorry, tapos kanina naman sa rooftop bigla nya ko kinausap hindi ko alam na andon pala sya. Paliwanag ng dalaga kay Rina Pero bago pa makapag salita si Rina biglang pumasok na professor nila at diretsong nagdiscuss. Girl mamaya kana umuwi, maaga pa naman e halika punta muna tayo sa mall kain tayo. Aya ni Rina kay Aileen, at dahil sa medyo maaga pa naman ay pinagbigyan na nya ang kaibigan, Ok back to the topic knina girl, diba si Denise yong guy na sinasabi mo? Medyo sikat yon dito sa campus kase bukod sa gwapo at cool e mabait pa, medyo tahimik lang pero pag kinausap mo naman ok sya. Pagkkwento ni Rina, unti unti nagkakainteres si Aileen na makinig sa kwento ng kaibigan. E sino yong babaeng nakita ko noong unang araw ko dito, nursing student din ata sya morena pero di naman katangkaran medyo mahaba lang hair tapos mukhang maarte? Tanong ni Aileen kay Rina. Si Ah si Loraine? Gf nya yon alam ko 3 years gf nya yon e. Sagot ni Rina sa kaibigan, medyo nakaramdam ng konting panghihinayang si Aileen dahil yong iniisp nya na kasama ni Denise na nakita nya mula sa canteen ay totoong kasintahan ng binata. Medyo mahaba na ang araw na nasa school si Aileen kaya nang makauwi na sya ay nagpahinga lang sya ng kaunti at pagkatapos gumawa ng homework nya. Maya-maya tumunog ang cellphone nya kaya saglit nya itong binasa, Hi! Mula sa nagtext pero hindi nakaregister ang pangalan kaya hindi nya ito sinagot dahil baka spam message lang, pero maya maya nagtext ulit, pwede ba kita mastorbo sandali hiningi ko sa registrars office no. mo pasensya kana si Denise pala to. Nagulat si Aileen kaya nagreply sya, Hello ganon ba bakit may kelangan ka ba sakin kaya mo hiningi no ko sa registrar? Sumagot ulit ang binata meron kung pwede lang sana pwede ka ba magaudition for ms sportsfest ng department nyo, isa kase ako sa head organizer ng event bawat department kelangan ng representative ikaw din ang gusto ng mga kaklase mo na lumaban paliwanag ng binata kay Aileen, pero hindi na sumagot si Aileen. Kinabukasan sa school nagulat si Aileen na biglan syang hinarang ni Denise sa daan. Ano bang ginagawa mo nagmamadali ako kase may early class ako today. Pakiusap ni Aileen sa binata. Ok sige padadaanin kita kung magpapromise ka na sasali kana sa upcoming event natin sa campus! Umiling si Aileen at pilit na kumakawala sa harang ni Denise. Oooopss hindi ka makakaalis sige ka mahuhuli ka ikaw din, pumayag kana para tapos na pwede kana dumaan lagot ka balita ko si mrs Escaler ang prof mo this morning masungit yon sa late. Panakot ni Denise kay Aileen. Walang nagawa si Aileen sa pangungulit ng binata kaya napaoo sya dito. Yan ok na oh pano see you this afternoon pagkatapos ng last class mo ok, para makapg meeting na tayo, aasahan kita Aileen ha. Pero hindi na tumugon si Aileen at dali dali na itong dumeretso sa classroom. After class ng huling subject nya hindi nya akalain na nakaabang na si Denise sa labas ng hallway patungo kung saan sya dumadaan para sa parking lot kung saan naka park kotse nya. Oh san ka pupunta, halika na naghihintay na yong ibang organizers sa meeting place natin. Pagpipilit ni Denise kay Aileen, Denise look wala ako time sa ganyan isa pa hindi ako mahilig sa ganyan contest e, madami pa ko kelangn gawin homework malayo pa uuwian ko at matraffic pa sa edsa kaya please lang paalisin mo na ako dahil pagod na din utak ko. Pero hindi sya pinakinggan ng binata hinila pa sya nito at isinama sa lugar kung saan naghihintay na ibang kasali. Guys sorry late kami sinundo ko pa kase si Aileen para sure na darating sya dito. Ok sige simulan na natin ang usapan para matapos agad, noon ay nasa kabilang table lang din ang girlfriend ni Denise at naghihintay na matapos ang meeting. 

   Sa bahay kung saan kararating lang ni Aileen nagtext sa kanya si Denise, Aileen thank you kanina ha pasensya kana kung hindi kita hinayaan makatanggi at pinilit kita isama sa meeting place. Paumanhin ng binata kay Aileen. Ok lang! Maiksing sagot ni Aileen kay Denise. Matutulog kana ba? Tanong ng binata sa dalaga. Oo sana kaso katext pa kita. Pambabara ni Aileen kay Denise. Pero hindi na sumagot ang binata, at nakaramdam ng panglulumo ang dalaga dahil baka nasaktan nya ang binata sa sagot nya. 

Kinabukasan napadaan si Aileen sa department ng nursing at doon nakita nya si Denise na nagiisa at mukhang malalim ang iniisip. Pumasok sya sa room at kinausap si Denise, bakit para yatang malalim iniisip mo? Seryosong tanong ni Aileen kay Denise, Ah wala naman ako iniisip sagot ni Denise kay Aileen. E nasan nga pala si Loraine bakit parang hindi ko sya nakikita kasama mo ngayon? Pagtatanong ni Aileen na medyo awkward pa. Ah hindi sya papasok kase masama pakiramdam mamaya after class pupuntahan ko sa kanila para kamustahin pakiramdam nya. Medyo nalungkot si Aileen sa sinabi ng binata, naisip nya na napakaswerte ng kasintahan nito dahil may boyfriend itong nagaalala sa kanya. Oh sige Denise ha wala na din kase ako class e uwi na ko kase madami pa ako tatapusin about nga pala sa event dont worry di ako galit, makakaasa ka isa ako sa candidate manalo matalo sports lang tayo. Napangiti ng bahagya ang binata sa sinabi ni Aileen. 

Dumating ang araw ng event kung saan kasali si Aileen, nakakatuwang isipin na walang kahirap hirap na nasungkit ni Aileen ang pwesto para sa ms campus, marami nakasaksi at isa sa proud na humnga ay ang department at mga kaibigan nito lalong lalo na si Denise na halos nagpursige sa paglaban nya. Sabi ko na nga ba e nong nakita kita alam ko may K ka e, kaya hindi ako sumuko na maisali ka dito, at talagang effortless mo pa nakuha pwesto ha. Pero bago pa nakapg pasalamat si Aileen kay Denise may isang lalake na lumapit dito at may ibinulong kay Denise, ganon ba pare sandali lang ha, oh pano mauna na ko umalis ha by the way congrats Aileen at your so pretty tonight. Pahabol ni Denise bago ito tuluyang umalis, Nagtaka lang si Aileen na parang nagiba ang mood ni Denise sa pagkakabulong lalaking lumapit sa kanya, pero hindi na ito pinansin ni Aileen at sumakay na din sa kotse para makauwi. Nang makarating sa bahay ay nagtext sya sa mga kaibigan at nagpaabot ng pasasalamat sa suportang ginawa ng mga ito, at hindi nya rin nakalimutan na itext si Denise pero wala ito reply sa kanya. Nakatulog na sya sa sobrang pagod at wala na malay sa palagid. Kinabukasan sa school, kung saan busy na din ang lahat ng departments sa nalalapit na pagtatapos ng mga magaaral sa ibat ibang kurso, nakita ni Aileen na seryoso naguusap ang lalaking noon lumapit sa kanila at may binulong kay Denise, parang malungkot ang mkuha ni Denise at ang lalake na para todo pagcomfort kay Denise. Pero imbes na lumapit si Aileen hinayaan nalang nya na magusap ang dalawa at pumunta na ito sa classroom. 

Alam mo pare ayoko rin maniwala sa nakita ko pero gusto ko ikaw na mismo makakita, sabi ng lalake kay Denise na isang matalik na kaibigan nya. Lumipas ang ilang araw na wala narinig si Aileen kay Denise, pero nagtataka si Aileen na parang may kakaibang nangyayare sa campus at may mga naririnig sya usapan na tungkol sa kasintahan ni Denise at sa isang lalakeng nakakasama nina Denise sa tambayan. Biglang narinig nalang ni Aileen ang lalaking nakausap ni Denise Oh ano pare nakita mo na ba? Tanong ng lalake sa kaibigan. Hanggang sa kumalat na ang usapan na niloko ni Loraine si Denise at may ginawa itong hindi maganda kay Denise na kasangkot ang lalakeng kasama nila sa tambyan. Friday ng hapon after ng last subject ni Aileen nang pauwi na sya pasakay na sana sya sa kotse nya ng tinawag sya ni Rina, girl uwi kana ba? Tanong ng kaibigan kay Aileen na nooy nakasakay na sa kotse nya, oo bakit? Tanong ni Aileen sa kaibigan. Ipapakisuyo ko sana to sayo total naman ikaw ang madalas na kasama ni Denise kase malapit na din sya sayo kahit bago ka palang dito sa campus, and syempre ikaw din naman ang winner as ms campus so maybe ikaw na magabot nyan sa kanya. Sabi ni Rina kay Aileen, porke ako ang nanalo as ms campus obligation ko na talaga gawin to ha! Palihim na sagot ni Aileen sa kaibigan. Oh pano thank you girl ha, kelangan ko na din kase umalis e, hindi ko na maidadaan kay Denise yan at balita ko may problema yong taong yon ngayon, ayoko sya gambalaain. Hindi na kumibo si Aileen at umalis na si Rina, sa parking lot tinawagan muna ni Aileen si Denise para alamin kung nasaan ang binata sa mga oras na yon, dahil simula ng gabing manalo sya at mga sumunod na araw e hindi na din ito madalas nagpakita sa kanya. Hello.. Sagot ng kabilang line na kausap ni Aileen, Denise si Aileen to, kamusta ka? Nasaan ka pala ngayon may iaabot lang kase ako sayo pinabibigay ni Rina saken ngayon lang. Pero hindi sumagot si Denise kaya muling nagsalita si Aileen. Hello Denise nandyan ka pa ba? .. May gagawin ka ba ngayon Aileen? Tanong ni Denise kay Aileen, ah wala naman andito pa kase ako ngayon sa school e sa parking lot, inaalam ko lang kung nasaan ka ngayon para bago sana ako makauwi ng bahay maibigay ko na sayo to mukhang importante kase. Sagot ni Aileen kay Denise, ok Aileen andito ako sa rooftop ng department namin dito mo ko puntahan ayoko lang muna umalis ng ganito oras lalo na kung may mga nursing students pa sa baba. Punta ka na lang dito kung ok lang sayo.. Pakiusap ng binata kay Aileen. Ok sige hintayin mo nalang ako dyan papunta na ako. 

Sa rooftop kung saan nakita ni Aileen na nakatayo si Denise sa gitnang bahagi lumapit sya dito at nagsabi.. Den eto na pala yong pinabibigay ni Rina for you, hindi ko kase alam kung bakit ako pa yong nautusan nya kanina pauwi na kase ako, pero nakiusap na ibigay ko sayo to. Paliwanag ni Aileen sa nooy mukhang tahimik at malalim ang iniisip na si Denise. Alam mo bang noong una ko nakita si Loraine, ang sabi ko sa sarili ko na sya na gusto ko makasama habang buhay, pinakilala ko sya samin at legal kami both sa families namin. May halong pagtataka si Aileen kung bakit nasabi sa kanya ng binata ang mga bagay na yon. Ok ka lang ba Den, may problema ka ba? Pagtatanong na may halong pagtataka ni Aileen, Ah wala Aileen wag mo na lang pansinin, oh sige na salamat sa paghatid nito pakisabi nalang kay Rina na nakuha ko na. At nauna na bumaba si Denise. 

Dumating ang araw ng pagtatapos mga students sa school ni Aileen kabilang dito si Denise na nakagraduate sa kursong nursing, andon si Aileen ng mga oras na yon para mapanuod ang mga nagtapos na sa araw na yon mula sa kinauupuan ni Aileen tanaw din nya si Denise na masaya subalit kapansin pansin ang pahapyaw na pagngiti nito sa mga kapwa graduates. Pagkatapos ng graduation ay lumapit si Aileen kay Denise upang personal na ipaabot ang pagbati ng maligayang pagtatapos at munting regalo na inilaan ni Aileen para sa kaibigan na si Denise. Nagpasalamat ang binata sa dalaga, thanks Aileen! Sabay ngiti ng bahagya. Pagkatapos ng graduation ay naguwian na mga nakapag tapos ganon din si Denise, lumipas ang ilang bwan wala na balita si Aileen sa binata, may phone no. naman sya nito ngunit hindi nya ni minsan nagawang itext or tawagan ang sandaling naging kaibigan nya sa school. Dumaan pa ang maraming bwang hanggang sa umabot ng isang taon, nakalimutan na ni Aileen ang tungkol sa kaibigan, nooy nakapag tapos na din si Aileen at may trabaho na sa isang malaking company sa makati, at dahil sa may kagandahan din ang dalaga hindi sya nawalan ng manliligaw sa trabaho pero kahit isa wala syang napusuan sa mga ito. Ipinagpatuloy n Aileen ang buhay nya masaya at walang iniisip na problema dahil sa stable na career nya.

Isang araw habang nasa opisina biglang tumunog ang cellphone nya, at nang tignan nya ang text message laking gulat nya kung kanino galing ang message, Hello Aileen, kamusta kana? Hindi nya akalain na pagkalipas ng isang taon ay muling magpaparamdam ang kaibigan na nuoy matagal na din nawala. Hindi sya sumagot sapagkat hindi nya din alam ang sasabihin dito o itatanong maliban sa pagsagot ng ok lang sya. After office hour nakauwi ng maaga si Aileen at dumiretso sa kwarto nya para magpalit ng damit pang bahay, Hmmm.. After a long day hindi na siguro ako magddinner ng madami ngayon, im so tired at pati bibig ko parang ayaw na din kumain, pipilitin ko na lang kesa naman matulog ako ng walang laman sikmura ko. Sabi ni Aileen sa sarili, habang nanunuod ng tv may biglang tumawag sa cellphone nya, kinuha nya sa center table ang phone nya at laking gulat nya ng makita pangalang ng incoming call. ...Denise. Sinagot nya ito at dahan dahan nagsalit ng Denise??? .. Hi Aileen, si Denise nga ito, kamusta kana? Nagtext ako sayo kanina pero hindi ka nagrereply I tought you were busy kaya ok lang din, pero I decided na tawagan ka ngayong gabi and to check na din kung sure nga na active pa tong no, mo. Mahabang pagpapaliwang ng binata mula sa kabilang line. Ha.. Eto im ok, ikaw how are na? Yeah nabasa ko nga kanina pa yong message mo pero i doubt kung magrreply ako kase wala na ako balita sayo after a year noong nakagraduate kana. Sagot ni Aileen na may konting ngatal pa sa pagsasalita. Ganon ba? Ah busy ka ba ngayon, kung ok lang sana pwede ba tayo magkita, pero kung hindi ok lang din maybe next time nalang. Sabi ng binata sa dalaga, pero sa kadahilanang matagal na ding hindi sila nagkikita nito mula ng makagraduate gusto na din ng dalaga makita ulit ang binata na lihim nya din gusto simula ng nagaaral pa sya sa pareho school ni Denise. Ok lang Den, pero maybe dito nalang siguro sa bahay tayo magkita kase kararating ko lang din from work medyo pagod na din kase ako nakakatamad na magdrive lalot gabi na. Giit ni Aileen sa binata. Ha ok sige Aileen ako na lang pupunta dyan, wag kana lumabas ng bahay sabihin mo na lang kung san yong right address mo para puntahan kita. At doon nasambit ni Aileen kung saan sya nakatira. Ilang minuto lang nang makarating ang binata sa mismo pad ni Aileen.. 

  Hi.. Bati ni Denise kay Aileen mula sa labas ng bahay nito, Halika Den pasok ka. Aya ni Aileen sa binata. Upo ka muna, pasensya kana sa bahay ko ah hindi pa kase ako masyado nakakapg ligpit e kase wala ako time, but dont be shy feel at home, can I offer you a drink? Sabo ng dalaga sa binata, pero hindi na ito sumagot ngumiti lang at tinitigan si Aileen. Hoy! Ano ka ba ngayon na nga lang tayo ulit nagkita tapos hindi ka pa magsasalita, ano gusto mo inumin sabi ko? Muling pagtatanong ng dalaga sa binata.Ah hhindi na Aileen dumaan lang kase ako para makamusta ka, after a long time na hindi tayo nagkamustahan. Sagot ni Denise sa dalaga. Oo nga e! What happen to you ba after graduation? Hindi ko na kase alam nangyare sayo after that day e. Tanong ni Aileen. After graduation pinasunod ako ng ate ko sa singapore, natagalan din bago ako sumunod siguro may isang bwan, pero nrealize ko na makakabuti siguro sumunod ako ng singapore kase nagbakasyon din sila mama at papa doon, nagtaka nga si mama sakin kase after graduation hindi na ko nagtake ng board exam after what happen. Paliwanag ng binata kay Aileen. Ah yeah why ano ba kase nangyare sayo Den, kase even me hindi ko alam ano nangyare sayo e kung ano ano lang narinig ko issues pero hindi ko naman pinansin kase ayoko din naman makiusyoso sa nangyare sayo. Pagtatanong ni Aileen sa kaibigan. Naalala mo ba si Loraine yong ex gf ko sa college? .. Ah yeah what about? Tanong ni Denise kay Aileen. May napanuod ako video with the guy doing someting, yong guy na yon hindi namin barkada pero nakakasama lang namin sa tambayan sa tapat ng school. Napanuod yon ng bestfriend ko at yon yong inilapit nya sakin nong gabing may event tayo sa school na ikaw ang nanalo, sabi nya sakin ayaw nya sabihin pero tignan ko at isure kung sya nga yong nasa video. Medyo naguluhan pero napapaisip si Aileen, hindi sya nagsalit hinayaan lang nya magkwento si Denise at nakinig lang si Aileen. Noong napanuod ko yong video, kinausap ko ex ko about doon nagusap kami sa isang place pero sa mall, sinabi ko sa kanya na alam mo ba may tiwala ako sayo gusto ko malaman kung totoo ba yong nakita ko sa video? Hindi pa nagsasalita si Loraine sakin tumulo na luha nya at doon na nasira loob ko. Hindi ko na sya pinilit magsalita inaya ko na sya umuwi sabi ko iuuwi ko na sya pero nagiiyak sya habang hinihila ko pauwi. Habang tumatagal ang kwento ni Denise unti-unti nadudurog ang puso ni Aileen sa story na nalaman nya, naisip ni Aileen kung gaano kaswerte si Loraine kung hindi sya gumawa ng pagkakamali kay Denise. Pero hinayaan pa din nya magkwento ang binata. Araw-araw ako nasa labas ng bahay nila, nakaluhod nagmamakaawa kalimutan na ang lahat magsimula na lang kami ng bago. Pero hindi ako pinakinggan ni Loraine, umiiyak ako habang nakaluhod sa harapan nya. Pero ang sabi nya sakin hindi na nya ako mahal! Napabuntung hininga nalang si Aileen sa mga nalaman nya. Alam na alam sa buong campus ang nangyare madami nagtanong sakin pero hindi na ako nagsalita noon, binaliktad pa ni Loraine ang pangyayare na ako daw ang may kasalanan. Pero kahit minsan hindi ko ginawa magpaliwanag. Sobrang nahirapan ako yong mga lugar kung saan kami lagi pumupunta at lagi kami magkasama iniiwasan ko dahil kahit saan lagi ko sya nakikita. After nang pangyayaring yon, sumunod na din ako ng singapore, doon naramdaman ko na ok ako doon nagkaron ako ng trabaho naging busy, may mga nakilala din ako bagong kaibigan nakatulong sakin yong lugar na yon para makamove on ako. Noong last August lang bumalik ako dito sa pilipinas may ilang bwan na din ako dito, pero pagkabalik ko ng pilipinas may isang bwan muna ako naging tambay sa bahay, nagkasakit si papa pero ok na sya ngayon tapos naghanap na din ako ng trabaho dito kaya good thing na agad na may tumanggap sakin, pero sa sales ako kase hindi na din ako nagboard exam. Sa tingin ni Aileen masyado na transparent si Denise sa kanya kaya pinutol na nito kwento. Mabuti pa siguro magcoffee tayo ngayon sandali lang ha, magtitimpla muna ako. Napangiti si Denise sa tinuran ng kaibigan, oh have a break muna seryoso ka kase masyado e.. Pero alam mo ba noong nawala ka madami din ako naging tanong kung ano na nangyare sayo kase hindi ko talaga alam na may ganon ka palang problema noon, and i feel bad na hindi man lang kita natulungan that time. Buti kinaya mo noh.. May halong pangaasar ni Aileen sa kaibigan. Aileen .. Pagtawag ni Denise kay Aileen, sabay hinawakan ang kamay ng dalaga. Please save my heart.. Sa pakiwari ni Aileen namula buo nyang mukha at nangatog sya sabay kabog ng dibdib nya. Den.. What do you mean by that? Please tell me kase hindi ako magaling manghula. Pagssumamo ni Aileen sa binata, pwede ba kita maging girlfriend Ai, im lonely sayo ko lang sinabi to kase alam ko totoo ka sa lahat ng babaeng nakilala ko kahit na nagstay muna ako sa singapore. Pero noong bumalik ako dito sinikap ko hanapin ka, at masaya ako na hindi ka nagpalit ng no kaya nakausap kita, maraming beses ko din sinubukan magemail sayo pero pinanghinaan ako ng loob pero ngayon nilaksan ko na loob ko. Kilala mo ako at simula noong nagkabanggaan tayo sa school noon alam ko good person ka kaya magaan loob ko sayo, hindi rebound ang tingin ko sayo ngayon kase nakapag move on na ko., Pero nalulungkot ako pwede mo ba ako mahalin Ai. Kase i like you.. Hindi makapag salita si Aileen pero kinalma nya sarili nya sa mga narinig. Den.. From the moment i saw you nagustuhan na kita pero hindi ko nagawa iparamdam sayo dahil may girlfriend ka that time. Pero ngayon binibigyan ako ng pagkakataon na iparamdam yon sayo, pero gusto ko malaman kung mahal mo pa ba sya? Mariing pagtatanong ni Aileen kay Denise. Wala na Ai, hindi ko na sya mahal nakalimutan ko na sya pero unti unti ko inaayos ang sarili. Ngumiti si Aileen at niyakap ang binata. 

   Totoo talaga sabi nila na kapag mahal mo isang tao magagawa mo maghintay at kapag para kayo sa isat-isa tadhana na maglalapit sa inyong dalawa, kahit gano katagal at kung ano pa nakaraan,.
       
  Ngayon ay masaya nang nagsasama ang magkasintahang sina Aileen at Denise., Nagkaron na sila ng pamilya may isang anak at nagmamahalan ng tunay at wagas. 

True love can wait at the right time..